^

Police Metro

Divorce law di pa ‘done deal’ - Solon

Joy Cantos - Pang-masa
Divorce law di pa ‘done deal’ - Solon
A certificate of divorce
Pixabay / Tumisu

MANILA, Philippines — Dahilan marami pang isyu na kailangang mairesolba ay hindi pa ‘done deal’ ang House Bill (HB) No. 9349 o Absolute Divorce Act.

Ito ang binigyang diin ni Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante, isang Baptist Pastor na tutol rin sa nasabing panukalang batas.

Ang HB No. 9349 ay ipinasa sa ikatlo at pinal na pagbasa noong nakalipas na linggo bago ang sine die adjournment ng Kongreso kung saan nakakuha ito ng 131 botong pabor mula sa mga Kongresista, 109 ang tumutol at 20 naman ang nag-abstain.

Halos nahati naman ang mga mambabatas sa Kamara sa usapin ng diborsiyo kung saan maging ang mag-asawang sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez ay tumutol laban dito.

Nitong Lunes ay hinikayat ni Abante ang mga kasamahang mambabatas na maghinay-hinay sa pag-aanunsyo na ang nasabing HB 9349 ay magiging batas.

Una rito, inanunsyo ng Secretariat ng Kamara na ipagpapaliban muna ang transmisyon ng HB 9349 sa Senado para bigyan ng pagkakataon ang mga kumukuwestiyon sa boto sa pagbubukas ng ika -20th Congress sa Hulyo 22.

Nakiisa si Abante sa sentiyemento nina Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez at CIBAC Partylist Rep. Eddie Villanueva na hindi nakuha ng HB 9349 ang sapat na boto para makapasa ito sa ikatlong pagbasa.

vuukle comment

DIVORCE BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with