^

PSN Palaro

Pinay Spikers gagawa ng kasaysayan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pinay Spikers gagawa ng kasaysayan
Isa si Angel Canino ang aasahan ng Alas Pilipinas kontra Kazakhstan.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Nasa kanilang makasaysayang kauna-unahang semifinals apea­rance sa Asian Volleyball Confederation (AVC) tournament, pupuntiryahin ng Alas Pilipinas ang finals berth.

Lalabanan ng Alas Pilipinas ang Kazakhstan ngayong alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng nagdedepensang Vietnam at Australia sa alas-4 ng hapon sa crossover semifinals sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Kapwa winalis ng mga Pinay at Vietnamese spi­kers ang Pool A at Pool B, ayon sa pagkakasunod habang nagtala ang mga Kazakhs at Aussies ng magkatulad na 3-1 baraha.

“Kazakhstan is a very strong team. Very tall also. Medyo nakaranas naman kami ng malakas at matangkad na team in our bracket,” sabi ni Alas Pilipinas veteran setter Jia De Guzman sa World No. 40 ranked team.

Magkakasunod na tinalo ng Alas Pilipinas ang Australia, India, Iran at Chinese Taipei papasok sa semis.

Halos dalawang linggo lamang ang naging preparasyon ng mga Pinay spikers ni Brazilian coach Jorge Souza De Brito para sa torneong naglalatag ng tiket sa 2024 FIVB Volleyball Women’s Challenger Cup na nakatakda sa Hul­yo 4-7 sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

“Hindi madali ang pinagdaanan namin at hindi magiging madali ang pagdadaanan pa namin, I’m sure,” wika ni De Guzman. “Kasi ibang laban na rin ang semifinals, so we’re just going in with a positive mindset.”

Bukod sa 29-anyos na si De Guzman, muli ring aasahan ng Alas Pilipinas sina Eya Laure, Sisi Rondina, Angel Canino, Thea Gagate, Vanie Gandler at Faith Nisperos.

“The Philippine team is every time a strong team because if I remember the last time we played, we won in five sets. I think it’ll be interesting,” ani Kazakhstan captain Sana Anarkulova.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with