P13.9 milyong shabu nasamsam sa Region 12
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga sibilyang pulis ang P13.9 milyon halaga ng shabu sa tatlong dealers na mula pa sa malalayong lugar sa entrapment operation nitong Martes ng umaga sa Barangay Balogo sa Pigcawayan, Cotabato.
Sa ulat ni Brig. Gen. Percival Augustus Placer, director ng Police Regional Office-12, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Marhaya Aziz Abdullah, 36; Kadapi Karim Jaca, 45; Ridzmer Nasher Abdulkara, 38, nang bentahan nila ng 2.1 kilo ng shabu, nagkakahalaga ng P13.9 milyon ang mga otoridad.
Nasukol ang tatlo sa loob ng Room 3 ng Red High Heel Hotel sa Barangay Balogo, Pigcawayan, mga 14 oras na biyahe mula sa Zamboanga City kung saan sila galing.
Nakumpiska din ang isang 9 millimeter Glock 17 pistol at ang kanilang puting Toyota Fortuner na kanilang ginamit sa pagdala ng illegal na droga mula pa sa Zamboanga City.
- Latest