18 teams kasado sa GVIL Season 2
MANILA, Philippines — Magsasabung-sabong ang pinakamagagaling na bagitong spikers sa bansa sa ikalawang season ng Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (GVIL) tampok ang pinalaking cast simula bukas sa Adamson University sa Maynila.
Mula sa 16 na koponan sa inaugural season nito, 18 schools na ang magsasalpukan ngayon sa pangunguna ng UAAP juniors champion na Adamson at reigning GVIL champion na California Academy mula sa Antipolo bagama’t wala ang pambato nito at dating MVP na si Caisey Dongallo na umakyat na sa college para sa UE sa UAAP.
Hindi naman pahuhuli ang ibang manok ng UAAP na National U-Nazareth School, UST, FEU-Diliman, UP-Integrated School at La Salle-Zobel kasama ang mga pambato ng NCAA na EAC, Arellano at University of Perpetual Help.
Palaban din ang mga regional, NCR at Luzon bets na runner-up Naga College Foundation, bronze medalist Bacolod Tay Tung High School, Bethel Academy, Chiang Kai Shek Collehe, La Salle-Lipa, Holy Rosary College High School, Kings’ Montesorri School at Lyceum Cavite.
Hahatiin sa apat na groups ang 18 teams na Pool A (Potato Corner), Pool B (R ‘n B Tea), Pool C (Peri-Peri) at Pool D (Shakey’s) tampok ang Top 2 teams kada grupo na aabante sa crossover quarterfinals.
Paghahanda ito ng mga koponan para sa kanilang mother leagues at sa Palarong Pambansa pero higit doon ay pagkakataon na maipamalas ang galing para sa mga susunod na stars ng Philippine volleyball.
“For the women’s athletes, please continue shooting for your big dreams. Think big, dream big and we’ll do our best to provide you the support and opportunity to achieve those dreams,” ani Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc., (SPAVI) president Vic Gregorio.
- Latest