^

PSN Palaro

Malabuyo umukit ng ginto sa Asian meet

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Malabuyo umukit ng ginto sa Asian meet
Emma Mala­buyo

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni Paris Olympics-bound Filipino-American gymnast Emma Mala­buyo na siya ang reyna sa Asya matapos masungkit ang gintong medalya sa floor exercise sa Women’s Artistic Gymnastics Asian Championships sa Tashkent, Uzbekis­tan.

Isang solidong performance ang ini­latag ni Malabuyo para makalikom ng 13.300 puntos upang makuha ang unang puwesto sa naturang dibisyon.

Inilampaso ni Malabuyo si Chen Xinyi ng China na naglista ng 13.133 puntos para magkasya sa pilak.

Nakuha naman ni Aida Bauyrzhanova ng Kazakhstan ang tanso bunsod ng nairehistro nitong 13.066 puntos.

Ito ang ikalawang medalya ni Malabuyo sa Asian meet.

Nauna na itong nakasungkit ng tanso sa individual all-around na siyang naging daan para makasikwat ng tiket sa Paris Olympics.

Sa kabuuan, may tatlong medalya ang Pilipinas — isang ginto at isang tanso mula kay Malabuyo, at isang tanso galing kay Paris Games-bound Levi Ruivivar.

Pumangatlo si Ruivivar sa uneven bars kung saan nagsumite ito ng 13.100 points mula sa 5.600 difficulty at 7.500 execution.

Nanguna sa naturang event si Yang Fanyuwei ng China na may 14.566 points habang pumangalawa si Jon Jang Mi ng North Korea na may 13.366 points.

Sunod na paghahandaan nina Malabuyo at Ruivivar ang pagsabak nito sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with