^

Police Metro

Pito patay kay Aghon, higit 36K indibidwal apektado

Joy Cantos - Pang-masa
Pito patay kay Aghon, higit 36K indibidwal apektado
A ship washes ashore at Mauban port in Quezon province yesterday amid Typhoon Aghon.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) na pitong katao ang naitalang nasasawi habang umaabot naman sa 36,143 katao ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon partikular na sa CALABARZON, Bicol  at Visayas Region.

Sa ipinalabas na update, kabilang sa mga nasawi ay isang pitong buwang sanggol na lalaki na nalunod sa Pagbilao at 14-anyos na si John Rey Ortiz de Ramos na nadaganan naman ng nabuwal na punongkahoy sa Lucena City; pawang sa lalawigan ng Quezon.

Ang apat pa sa mga nasawi ay sina Germie Pabulayan Salibio, 56 (nalunod sa bayan ng Mauban); Archie Toria Miguel, 22, (nalunod sa Lucena City); Melbert Cori Senado, 39 (nadaganan ng nabuwal na punongkahoy sa Lucena City) at Marcelino Rias Estolino, 50 (natumbahan ng nabuwal na puno sa bayan ng Tiaong) mula rin sa nabanggit na lalawigan.

Isa naman ang iniulat na nasugatan na si Nelia Roldan, 72 anyos taga Mauban na nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo ng madulas .

Sa report ang mga biktima ay nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Aghon na kinumpirma ng pulisya at ng lokal na Office of Civil Defense (OCD) sa CALABARZON.

Ang anim na nasawi ay karagdagan sa isang una nang kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isang 14-anyos na dalagitang estudyante na nadaganan ng nabuwal na punongkahoy habang lulan ng tricycle sa Balingasag, Misamis Oriental.

Sa report ng NDRRMC, nasa 12,436 pamilya o kabuuang 36,143 katao ang naapektuhan mayorya rito ay mula sa CALABARZON. Ang iba pang mga apektadong residente ay mula naman sa MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas at National Capital Region.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with