^

Police Metro

5 patay, 7 sugatan, higit 19K apektado ng Bagyong Aghon - NDRRMC

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pang-masa
5 patay, 7 sugatan, higit 19K apektado ng Bagyong Aghon - NDRRMC
Nakatambay ang mga pasahero ng Northport Passenger Terminal sa Maynila na naghihintay ng go signal para sumakay ng barko pauwi sa kanilang mga lalawigan matapos suspendihin ang biyahe nila dahil sa paghagupit ng bagyong Aghon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na limang katao ang naitalang nasawi, pito ang nasugatan habang nasa 19,373 katao naman ang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Aghon sa Luzon at Visayas Region, Base sa report sinabi ni NDRRMC Director Edgar Posadas, sa mga naapektuhang indibidwal ay 5, 343 katao ang inilikas kabilang ang 2,162 na dinala sa mga evacuation centers habang 3,181 naman ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa ligtas na lugar.

Ang mga nasawi na ayon sa NDRRMC ay pa­tuloy pang bineberipika ay mula sa CALABARZON at ang isa ay mula naman sa Region 10. Iginiit ng mga opisyal ng NDRRMC na kailangan ito ng clearance ng DOH bago nila itala sa listahan ang mga namatay.

Kabilang sa nasawi sa CALABARZON ay isang 7 buwang sanggol na lalaki na nalunod sa dagat nang tangayin ng malakas na tubig-baha ang kanilang tahanan sa Tierra del Monte Realty Corp. fish cage sa Brgy. Punta, Padre Burgos ; 14-anyos na nalunod sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City at 50- anyos na magsasakang si Marcelino Estolino sa Brgy. Cabatang, Tiaong; pawang sa lalawigan ng Quezon sa kasagsagan ng hagupit ng bagyo nitong linggo.

Ang bagyong Aghon na kauna-unahan sa taong 2024 ay kinasugat din ng pito katao mula sa Bicol Region sanhi ng mga nabuwal na punongkahoy.

Sa report ng NDRRMC, nasa kabuuang 8,465 pamilya  na may katumbas na 19,373 katao ang naapektuhan ng bagyong Aghon (Ewiniar, ang internasyonal na pangalan) mula sa 158 Barangays sa Luzon at Visayas Region.

Kabilang sa mga naapektuhan ay 10,349 katao sa Bicol Region; 5,970 sa MIMAROPA at 2,026 naman sa Eastern Visayas.

Nasa 3,852 pasahero naman ang stranded sa mga pantalan ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol at Central Visayas kasama ang 35 vessels, motorbancas at 315 rolling cargos.

Iniulat rin na 22 kabahayan naman ang napinsala sa Eastern Visayas, 18 dito ang bahagyang nagtamo ng pinsala habang apat naman ang tuluyang nawasak.

Samantalang nagpalabas na rin ng P1,909.962.5 milyong halaga ng food packs na ipinamahagi sa mga apektadong pamilya.

 

vuukle comment

AGHON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with