^

Police Metro

Nanalong barangay chairman pinasok sa bahay, pinatay!

Victor Martin - Pang-masa
Nanalong barangay chairman pinasok sa bahay, pinatay!
Sa inisyal na imbestigasyon ng Aritao Police, habang kausap ni Serapon ang kanyang misis nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang una na noon ay nakaupo sa loob ng kanilang bahay, dakong alas 6:45 ng gabi.
tapat ng URBN Resto bar, sa Timog Avenue, Brgy. Sacred Heart, Quezon City.

MANILA, Philippines — Patay ang isang bagong halal na barangay­ chairman matapos na pasu­kin at pagbabarilin ng nag-iisang salarin sa loob ng kanyang tahanan sa Brgy. Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Capt. Manny Paul Pawid, information officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang biktima na si Rolando Serapon, 76, bagong halal na barangay Captain at residente ng Purok 3, Brgy. Calitlitan sa nabanggit na bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Aritao Police, habang kausap ni Serapon ang kanyang misis nang biglang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang una na noon ay nakaupo sa loob ng kanilang bahay, dakong alas 6:45 ng gabi.

Agad na isinugod ang biktima sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital subalit idineklarang dead-on-­arrival dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang suspek na agad tumakas sakay sa isang motorsiklo ay may katamtamang pangangatawan, nakasuot ng itim na short pants, itim na T-shirt, at green face mask.

Bago ang pagpaslang sa biktima, dumalo pa siya sa turn-over ceremony na isinagawa sa araw na iyon para sa unang araw ng panunungkulan ng mga bagong opisyal ng ­barangay.

Ayon kay Pawid, agad na bumuo ng Special Investigation Task Group (SITG) ang PNP na tututok sa kaso at para matukoy ang suspek at motibo sa krimen. 

vuukle comment

CALITLITAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with