^

Police Metro

Bilang ng Pinoy na walang trabaho, bumaba – SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bilang ng Pinoy na walang trabaho, bumaba � SWS
A long queue of commuters wait for rides along Ortigas Extension in Cainta and Taytay, Rizal Sept. 14, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sa isinagawang national survey ng Social Weather Stations ay ba­hag­yang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Ito ay matapos na umabot sa 19% ng adult labor force o tinatayang nasa 8.7 milyong Pilipino ang walang trabaho.

Bagama’t mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 21.3% o 9.6 milyong Pilipino na naitalang walang trabaho noong Disyembre 2022, mas mataas pa rin ito sa pre-pandemic level na 17.5% noong Disyembre 2019.

Ang survey ay ikinasa face-to-face mula Marso 26 hanggang 29, 2023 sakop ang 1,200 adults sa buong bansa, o tig-300 mula Metro Manila, Ba­lance Luzon, Visayas, at Mindanao.

May sampling error margins naman ito na ±2.8% sa national percentages, at tig-±5.7%sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Hindi rin kinomisyon ang naturang survey.

Ang maituturing na jobless ay ang mga taong umalis sa kanilang dating trabaho, mga naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon, at mga natanggal sa trabaho sa hindi kontroladong dahilan.

Matatandaan na noong kasagsagan ng pandemya o Hulyo 2020 ay umakyat sa 45.5% ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

vuukle comment

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with