^

Police Metro

Family driver todas sa Lagusnilad holdap

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang family driver nang barilin sa ulo ng apat na lalaki at tina­ngay ang dalang sling bag at kagamitan ng dalawa nitong kasama naganap kamakalawa ng hapon sa Lagusnilad malapit sa Manila City Hall.

Ang namatay ay kinilalang si Nelbert Casido, nasa hustong gulang ng Legarda, Sampaloc, Maynila.

Tumakas ang apat na salarin na pawang nakasuot ng itim na facemasks.

Sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bago naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa southbound ng P. Burgos- Lagusnilad, Ermita ay minamaneho ng biktima ang isang To­yota Fortuner at pasahero sina Marjerie Pastor, 28 at Angel Funa, 28, kapwa sales staff, nang i-cut sila ng isang kulay abong Mitsubishi Adventure na walang plaka.

Apat na lalaki ang lumabas nang sasakyan ang apat at pinagbabaril ang windshield at isa sa salarin ang bumasag sa bintana sa may driver’s seat gamit ang isang dumbbell at hinatak pa­labas si Casido at binaril sa ulo.

Tinangay ng mga salarin ang isang sling bag na naglalaman ng cellular phone ni Casido at iba pang personal na gamit at cellphones ng dalawa nitong sakay bago humarurot patakas sa direksyon ng Taft Avenue at Finance Avenue base sa kuha sa CCTV camera sa lugar.

vuukle comment

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with