^

Police Metro

3 rider utas sa salpok

Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na sakay ng kanilang motorsiklo ang nasawi habang isa ang malubhang nasu­gatan sa magkahiwalay na  trahedya  sa kalsada sa Quezon City at Caloocan City.

Sa New Manila, Quezon City namatay sina Rolando Olarte, 34,  at angkas nitong si Lovely Pesimo, 26, kapwa masahista nang masalpok sila ng kotse na minamaneho ni Kathleen Vanessa Asid, 36, dalaga, grab driver at nakatira sa   Diamond Village, Novalichez, Quezon City.

Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente dakong alas-10:30 ng gabi sa Doña Hemady Street., kanto ng 6th Street, New Manila ay pabalik na ang dalawang biktima sa kanilang opisina mula  sa home service na noon ay madulas ang kalsada dahil sa umaambon.

Habang patawid sa 6th Street, ay sumulpot ang Toyota Vios na minamaneho ng suspek mula sa kaliwa nang masalpok sila.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon sina Rolando at Lovely at bumagsak sa sementadong kalsada na  kung saan namatay agad ang una habang ang huli ay idineklarang dead-on-arrival.

Sa Caloocan City ay namatay din ang rider na si Maurice Sayson habang ang angkas nitong si Ryan Acuña, 32 ay nasa kritikal na kondisyon nang salpukin sila ng isang kotse matapos ang umano’y ginawang paglabag sa trapiko nang mag-beating the red light kahapon ng alas-2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue patungo sa EDSA.

Hawak naman ng Caloocan City Police-Traffic Investigation Section ang nakabundol na si Percival Sevilla, 51, tsuper ng To­yota Vios (UVF-842), at residente ng Block 28B, Phase 3 Dagat-Dagatan Avenue, Caloocan na nagsabing hindi niya na magawang iwasan ang motorsiklo na hindi tumigil kahit nasa red light na kaya’t  nasalpok ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with