^

Police Metro

Shootout: 3 kriminal utas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Napatay sa shootout ang tatlong pinaghihinalaang miyembro ng gun for hire at gun running syndicates matapos manlaban sa mga otoridad kahapon ng madaling araw sa Brgy. Piel, Baliuag, Bulacan.

Isa sa tatlong napatay na suspek ay kinilalang si  Randy Lopez habang inaalam ang pagkaka­kilanlan ng dalawa nitong kasama.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ng Oplan Paglalansag Omega at Oplan Salikop ang mga operatiba ng pulisya base sa search warrant na inisyu ni Judge Sita Jose Clemente, 3rd Vice ­Executive ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16 ng Malolos City, Bulacan matapos na makatanggap ng report hinggil sa pagkakasangkot ng mga suspek.

Habang isinisilbi ang search warrant ay nagpaputok umano ng baril ang mga suspek na nauwi sa ilang minutong putukan na ikinasawi ng mga ito.

Nasamsam sa mga suspek ang isang cal. 45 pistol at dalawang cal. 38 revolver na gamit ng mga ito sa kanilang illegal na operasyon.

vuukle comment

SYNDICATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with