^

Police Metro

Doktor dedbol kay utol

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang doktor nang ito ay saksakin ng sariling kapatid matapos ang mainitang pagta­talo tungkol sa paghiram ng sasakyan ng misis ng huli na naganap kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Dr. Joser Rabe, may sapat na gulang, ng  #518 Anonas St.,  Ayala  Alabang Village, Barangay Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Naaresto agad ang ka­patid nitong si Jose Rabe Jr., may sapat na gulang, under board sa kursong medisina at residente rin sa lugar.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:00 ng gabi sa loob mismo ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar ay kinompronta ng biktima ang kapatid dahil sa paghiram ng misis nito sa kanyang kotse gayung ito umano ay kanyang gagamitin.

Dito ay nagkaroon ng mainit na diskusyon ang magkapatid hanggang sa hindi na umano makapagpigil sa galit ang suspek kaya’t kumuha ito ng patalim at pinagsasaksak ang kanyang kuya.

Ayon sa misis ng  biktima na si Lourdes, tinawagan siya sa cellphone ng kanyang mga anak at sinabi ang pangyayari kaya’t nagtungo siya sa Police Community Precint (PCP) 5, Muntinlupa City Police para makahingi ng responde at nang makarating ay agad na dinala sa ospital ang biktima, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Lumalabas sa imbestigasyon na may matagal nang alitan ang magkapatid na kapwa magkasama sa iisang bahay ang kani-kanilang pamilya.

vuukle comment

ACIRC

ALABANG VILLAGE

ANG

ANONAS ST.

AYALA

BARANGAY AYALA ALABANG

DR. JOSER RABE

JOSE RABE JR.

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

POLICE COMMUNITY PRECINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with