^

Police Metro

2 nagnakaw sa BI napatay

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga guwardiya ng Bureau of Immigration ang dalawang lalaki na hinihinalang pumasok at nagnakaw sa ahensiya nang ito ay kanilang barilin matapos na manlaban kamakalawa ng gabi sa Intramuros, Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:00 ng gabi ay nakita nina Carlos Garcia at Eric David Ducosin, mga guwardiya ng BI, ang dalawang hindi pa  nakilalang mga  suspek  na pumasok sa west gate  ng tanggapan.

Hinuli nila ang mga ito sa aktong kinukuha ang compressor na ginagamit sa dental check-up  sa bahaging likod ng  ahensiya.

Nang aaarestuhin na ay nanlaban umano ang isa sa salarin na dumukot ng patalim at akmang itatarak kay Garcia kaya’t  napilitan niyang barilin ito.

Tinangka rin agawin ng  ikalawang suspek ang kalibre 38 revolver ni Garcia, ngunit binaril din niya.

Sinabi ni Garcia sa pulisya na ilang araw na nilang napapansin na nagmamanman sa kanilang tanggapan ang dalawang lalaki na kung saan noong Biyernes ng gabi ay sinira umano ng mga ito  ang ilaw sa west gate at saka isinagawa ang pagnanakaw.

 

vuukle comment

BIYERNES

BUREAU OF IMMIGRATION

CARLOS GARCIA

ERIC DAVID DUCOSIN

GARCIA

HINULI

INTRAMUROS

MAYNILA

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with