^

Police Metro

Pagplanuhan, maglaan ng pondo sa banta ng ‘Super El Niño’ - Tulfo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maagang magplano at maglaan ng pondo para maiwasan ang nagbabantang “Super El Niño” sa bansa kung saan mararanasan ang matinding tagtuyot, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at pagkalugi ng kabuhayan.

Ito ang naging babala ni Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development Chairman Erwin Tulfo dahil sa datos ng Department of Agriculture (DA) na nagpapakita ng P6.87 bilyong pinsala sa agrikultura na nakaapekto sa 223,214 na magsasaka noong Setyembre 26, 2026.

“Huwag na nating hintaying maging abo ang ating mga sakahan, matuyo ang ating mga gripo, at humandusay ang ating mga kababayan dahil sa init bago tayo kumilos sa paghahanap ng solusyon. Nariyan ang agham. Nariyan ang mga babala. Panahon na upang itigil ang pag-aksyon sa sakuna pagkatapos itong mangyari, at simulan ang pagpapatupad ng isang mabilis, maagap, at kongkretong plano para sa ating kaligtasan,” pahayag ni Tulfo.

Bagama’t kinikilala ang “El Niño Task Force” ng administrasyon, binigyang-pansin ni Tulfo na ang atensyon ng pamahalaan ay dapat lumampas sa proteksyon lamang ng mga magsasaka at patubig sa mga sakahan.

Pormal na inilapit ni Tulfo ang usapin sa Senado, at isinangguni sa Reinvigorate Investment and Sustainable Economic Growth (RISE) Ad Hoc Committee na binuo upang tugunan ang pagbagal ng ekonomiya ng Pilipinas, ang pagtaas ng gastusin sa pamumuhay, at ang paghina ng kakayahang bumili ng mga mamamayan.

Ayon kay Tulfo na hindi niya ayuning manakot, kundi tinitiyak lamang niya na may malinaw na gabay at plano upang maging handa ang bawat Pilipino sa anumang pinakamalalang sitwasyon.

EL NIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with