^

Police Metro

Jeep inanod ng baha: Misis, todas; mister nawawala, 12 nailigtas

Joy Cantos, Arnell Ozaeta - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang ang nasawi habang patuloy pang hinahanap ang kanyang mister habang 12 ang nailigtas matapos anurin ng malakas na agos ng tubig-baha ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa isang spillway sa Panisingan River, Barangay Colongan, Rosario, Batangas noong Sabado ng hapon, Oktubre 3, 2026.

Sa ulat ng Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at ng lokal na pulisya, maga-alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagpumilit ang driver ng pampasaherong jeepney na tumawid sa spillway sa kabila ng pagtaas ng tubig batay umano sa utos may-ari ng jeepney.

Nasagip ang 12 matapos na marinig ng mga residente na humihingi ng saklolo.

Nabatid na wala namang pag-ulan sa bayan ng Rosario nang tumaas ang tubig baha pero malakas umano ang ulan sa Lipa City.

Gayunman, tinangay ang ginang ng malakas na agos at ang 44-anyos nitong mister na nabigo nang masagip sa bilis ng pangyayari at nitong Linggo ng umaga ay narekober ang bangkay ng ginang sa nasabing ilog.

BAHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with