^

PM Sports

Unang salang ng Philippine Kickboxing team

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA,Philippines — Magpapakitang-gilas ang kauna-unahang Philippine national kickboxing team sa inaugural staging ng kickboxing sa 30th Southeast Asian (SEA) Games na gaganapin sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Walong gintong medalya sa walong kickboxing event ang paglalabanan pero ayaw pakampante ng Na­tionals at mas gugustuhin nila na mag-focus sa pag­papalaganap ng naturang sports.

“We hope and pray each and every athlete would be successful in their respective categories. Doon mu­na tayo mag-focus sa  promoting the sports as well as giving these athletes the break,” sabi ni Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKBP) secretary-general Wharton Chan.

Ipaparada ng pambansang koponan si dating wushu sanda champion Jean Claude Saclag na kamakailan lang ay nagpasyang iwanan ang wushu at tumalon sa combat  sports sa 63 kilograms ng men’s division.

Makakasama ng 2014 Incheon Asian Games sil­ver medal at 2013 World Wushu Championship bronze medalist sa eight-man team na ito sina men’s category sina Karl Maguide (51 kg), Jomar Balaguid (54 kg), Ruel Catalan (57 kg), Rex de Lara (63 kg) at Jerry Olsim (69 kg).

Ibabandera naman ng bansa sa women’s category sina Renz Daquel sa 48 kgs at Team Lakay na si Gina Iniong sa 55 kgs. Nakapagsanay na ang pambansang koponan sa Taiwan at Cambodia sa ilalim nina Olympian Donald Geisler at Mark Sangiao.

Nasa Baguio ngayon ang buong koponan para sa kanilang high-altitude training at final weight training bago bumalik sa Maynila.

Ang kickboxing ay gaganapin sa Disyembre 1 hanggang 7 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

vuukle comment

PHILIPPINE KICKBOXING TEAM

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with