^

PM Sports

Chooks to Go-NCAA Player of the Week

Francisco Cagape - Pang-masa
Chooks to Go-NCAA Player of the Week

MANILA, Philippines — Nagkakaisa ang lahat para kay Jerrick Balanza ng Letran at dahil sa kanyang matagumpay na laban kontra sa brain tumor, hinirang ang guard ng Knights bilang Chooks-to-Go NCAA Player of the Week.

Kahit hindi nakapaglaro, naging inspirasyon pa rin si Balanza para magwagi ang Letran Knights laban sa Arellano Chiefs, 99-82, noong Huwebes upang manatili sa sosyohan sa ikatlong puwesto kasama ang St. Benilde Blazers sa parehong 7-3 win-loss kartada.

“Si Jerrick (Balanza), hindi naman nawala sa team namin yan e. He’s still part of the team. Kailangan intindihin namin ang health niya, pero ‘yung presence niya sa dugout, sa ensayo, nandun pa rin ‘yun,” sabi ni Letran coach Jeff Napa.

Pagkatapos ng mahigit apat na oras at 30 minuto, naging matagumpay naman ang isinagawang operasyon upang matanggal ang tumor sa kanyang utak noong Biyernes ng nakaraang linggo.

“We wish and pray for nothing but the best for Balanza. It’s unfortunate and we wish for his fast recovery,” ayon naman kay San Beda coach Boyet Fernandez.

Ang buong community ng NCAA pati na mga players at mga tagasubaybay ay nagkakaisa sa pagdasal sa madaling paggaling ni Balanza.

“Kailangan tayo ni Jerrick. Good thing naman na buong NCAA, kahit yung mga kalaban namin, nagkakaisa para makatulong kay Jerrick,” pahayag ni Letran skipper Bong Quinto.

vuukle comment

JERRICK BALANZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with