^

PM Sports

Hapee, Cagayan magpapalakas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Magkaroon ng magandang pagtatapos ang kampanya sa taong 2014 ang balak kunin ng anim na koponan na magtatagisan sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa pagdako ng aksiyon sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.

Mangunguna sa mga mag-aasinta ng panalo ay ang mga wala pang talong koponan ng Hapee Fresh Fighters (7-0) at Cagayan Valley Rising Suns (6-0) para palakasin din ang paghahabol sa Final Four slot.

Kalaro ng pasok na sa quarterfinals na Fresh Fighters ang MP Hotel sa second game dakong alas-12 ng tanghali at ang ikawalong sunod na tagumpay ay maglalapit sa kanila sa mithiing insentibo na ibibigay sa dalawang mangungunang koponan matapos ang single-round elimination.

Patok ang Hapee dahil ang Warriors ay may 1-6 baraha, kasama ang limang sunod na talo, pero hindi nagpapadala ang Fresh Fighters coach na si Ronnie Magsanoc.

“Ang mga talo nila ay sa mga close games kaya hindi mo sila puwedeng balewalain,” wika ni Magsanoc na nakakahugot ng magandang numero mula sa 10 manlalaro.

Ang Rising Suns ay mapapalaban sa Racal Motors dakong alas-2 ng  hapon at kung makukuha ang ikapitong dikit na panalo ay opisyal na aabante sa quarterfinals.

Hindi makakasama ng Cagayan ang kanilang coach na si Alvin Pua na pinatawan ng 3-game suspension at multang P50,000.00 dahil sa pagbangga sa referee sa laban kontra sa Jumbo Plastic Giants na kanilang tinalo, 82-74.

Ang number one pick na si Moala Tautuaa ang aasahan na magdomina sa ilalim pero hindi malayong gumana rin ang mga kamay nina Abel Galliguez at Alex Austria.

Buwena-manong laro sa huling playdate ng liga sa taong 2014, ang sukatan ng Wangs Basketball Couriers at MJM-Builders sa ganap na ika-10 ng umaga.

Mag-uunahan ang dalawang koponan sa pagputol ng kanilang three-game losing streak upang manatiling buhay ang lumiliit na tsansa na umabante pa sa quarterfinals. (AT)

vuukle comment

ABEL GALLIGUEZ

ALEX AUSTRIA

ALVIN PUA

ANG RISING SUNS

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FINAL FOUR

FRESH FIGHTERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with