^

PM Sports

Southwestern U lusot sa St. Louis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumangon ang Southwestern University mula sa double match point na hinawakan ng St. Louis University tungo sa 25-20, 23-25, 25-15, 21-25, 19-17, tagumpay sa kauna-unahang five-setter sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Abot-tanaw na ng rookie Lady Navigators ang sana’y unang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s nang umabante sa 14-12 sa deciding fifth set.

Ngunit hindi nakuha ng koponan ang mahalagang panalo at bumigay sa pressure nang bumangon ang Lady Cobras.

Ang guest player na si Lutgarda Malaluan ay mayroong 15 puntos at siya ang tumayong bida sa CESAFI champion nang butatain niya si Krissian Tsuchiya bago tinapos ang laro sa kill.

Nagdomina rin ang FEU sa San Sebastian sa ikalawang laro, 25-21, 20-25, 25-11, 25-20, sa ligang may ayuda rin ng Accel, Mikasa at Akari.

May 20 kills at isang block si Bernadette Pons para sa Lady Tamaraws na nakasalo sa National University sa liderato sa Group B.

Nanguna sa SWU na kasalo ang Ateneo sa Group A, si Marlyn Llagoso sa 19 puntos mula sa 10 hits at 8 blocks habang sina Sheena Quino at Janelle Cabahug ay may tig-12 puntos. (AT)

vuukle comment

BERNADETTE PONS

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

JANELLE CABAHUG

KRISSIAN TSUCHIYA

LADY COBRAS

LADY NAVIGATORS

LADY TAMARAWS

LUTGARDA MALALUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with