^

PM Sports

Lady Stags, Lady Patriots paglalabanan ang No. 3 seat

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng momentum papasok sa quarterfinals ang isa sa dahilan para lalo pang pagbutihan ng apat na koponang magtatagisan sa pagtatapos ng eliminasyon sa 2013 Sha­key’s V-League Foundation Cup.

Paglalabanan ng San Se­bastian at La Salle-Das­mariñas ang ikatlong pu­westo sa Group A sa ka­nilang labanan ngayong alas-2 ng hapon.

Ang mananalo sa La­dy Stags at Lady Patriots ang makakakuha ng ikalawang panalo matapos ang apat na laro sa ligang inor­ganisa ng Sports Vision ka­tuwang ang Shakey’s.

Ang NCAA champion Perpetual Help ay aasintahin ang ikalawang sunod na panalo sa pagbangga sa Adamson sa alas-4.

Galing sa panalo ang La­dy Altas kontra sa Uni­versity of San Carlos-Ce­bu, ngunit mapapalaban si­la sa Lady Falcons  na ma­papantayan ang Lady Falcons at pahingang Arel­lano sa three-way tie sa ikalawang puwesto.

Ang Ateneo at Natio­nal University na parehong hindi pa natatalo ma­tapos ang tatlong laro ay  magkasama sa isang gru­po sa palarong may ayu­da pa ng Accel at Mi­ka­sa.

Sa format ng palarong may supporta rin ng Accel at Mikasa, ang No. 1 at No. 3 ang magkasama sa isang grupo, habang ang No. 2 at No. 4 ang nasa isang gru­po.

Ang mga magkaka­samang koponan sa group elimination ay hin­di na magkikita pero hahawa­kan ng nanalong koponan sa tagisan ang 1-0 karta.

Sa likod ni Thai player Jeng Bualee, na­papaboran ang Lady Stags laban sa Lady Partriots na nais na palakasin ang pag-usad sa semifinals.

 

vuukle comment

ANG ATENEO

GROUP A

JENG BUALEE

LA SALLE-DAS

LADY FALCONS

LADY PARTRIOTS

LADY PATRIOTS

LADY STAGS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with