La Viuda (56)
“Mama naman! Disoras na ng gabi, anong kaguluhan ito? Nagpapahinga na ako!” tanong ni Ernesto habang mukha lang niya ang nakalabas sa nakaawang na pinto.
“Hindi ako naniniwalang nagpapahinga ka lang, Ernesto!” sigaw ni Donya Presentacion at marahas na itinulak ang pinto at mabilis na pumasok kasama ang arbularyo na si Mang Teban.
Subalit natigilan ang mga ito nang makitang walang damit pang-itaas si Ernesto at karsonsilyo lang ang suot. Pawisan ang dibdib, at halatang natataranta habang pilit na iniaayos ang kanyang sarili.
Sa kama sa kanyang likuran, nakahiga si Hulyana, magulo ang buhok. Nakatalukbong ito nang makapal na kumot hanggang dibdib na tila walang anumang suot sa ilalim.
Biglang nagtakip ng bibig ang donya sa matinding gulat at disgusto. Napamaang naman si Mang Teban sa nakita.
(Itutuloy)
- Latest





















