_ngayon
^
Ex-Army timbog sa droga
Hindi nakapalag sa mga otoridad ang suspek na kinilalang si Arjay Botor Cadag, 32-anyos, residente ng bayan ng Baao at sinasabing natanggal bilang kasapi ng Philippine Army.
STAR/ File

Ex-Army timbog sa droga

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang dating sundalo sa ginawang buy bust operation sa Zone-2,San Jose Street,Brgy.Sabang ng lungsod na ito kamakalawa ng madaling araw.

Hindi nakapalag sa mga otoridad ang suspek na kinilalang si Arjay Botor Cadag, 32-anyos, residente ng bayan ng Baao at sinasabing natanggal bilang kasapi ng Philippine Army.

Sa ulat, alas-3:20 ng madaling araw ay kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust ng mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Naga City Police Office sa pangunguna ni Col.Marlon Catan ang suspek.

Nang iabot nito sa pulis na umaktong posuer buyer ang biniling isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 10-libong piso ay mabilis na nagsilabasan ang mga nakatagong operatiba at inaresto ang suspek na nakuhanan pa ng mga drug paraphernalia.

ARJAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with