^
Bulacan fire: Lola, 2 apo natusta!
Kinilala ni SFO4 Roniel Galvez, chief fire marshal ng San Ildefonso ang mga biktima na sina Zenaida Peraña, 75- anyos at ang mga apo na si Donalyn Pacunla De Guzman, 12-anyos at Zafae Celedonio, 6- anyos.
STAR/ File

Bulacan fire: Lola, 2 apo natusta!

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2021 - 12:00am

Natagpuang magkakayakap sa banyo

SAN ILDEFONSO, Bulacan, Philippines — Natagpuang magkakayakap sa loob ng kanilang banyo at halos hindi na makilala nang matusta ang isang lola at dalawa nitong apo, matapos na masunog ang kanilang bahay kamakalawa ng mada­ling araw sa Brgy. Lapnit ng bayang ito.

Kinilala ni SFO4 Roniel Galvez, chief fire marshal ng San Ildefonso ang mga biktima na sina Zenaida Peraña, 75- anyos at ang mga apo na si Donalyn Pacunla De Guzman, 12-anyos at Zafae Celedonio, 6- anyos.

Dakong alas-12:09 ng madaling araw nang makatanggap ng tawag ang San Ildefonso Fire Department na may nasusunog na bahay sa nasabing barangay.

Gawa umano sa light materials ang nasabing bahay ng mga biktima kung kaya mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula sa silong ng bahay. Posible umanong nagkubli ang mga biktima sa banyo sa pag-aakalang maliligtas sila sa naglalagablab na apoy.

Sinasabing faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na umabot sa unang alarma.

Sinabi naman ni Mayor Carla Galvez Tan na sasagutin niya ang pagpapalibing sa tatlong biktima ng sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with