2 tigok, 1 arestado sa engkuwentro sa Bulacan
MANILA, Philippines — Patay ang dawalang sinasabing miyembro umano ng isang gun-for-hire at carnapping group habang isa pa ang arestado ng mga pulis matapos na pumalag at makipagbarilan sa mga otoridad naganap sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, Bulacan nitong Biyernes.
Kinilala ng Bulacan Police ang isa sa dalawang napaslang na suspek na si Brian Raga habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.
Arestado naman ang isa nilang kasamahan na si Joel Bernales na nakorner ng mga operatiba habang nagtatangkang tumakas. Nakuha sa pag-iingat nito ang isang kalibre. 45 pistol.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng law enforcement operation ang mga otoridad upang isilbi ang warrant of arrest sa kasong murder at paglabag sa Anti-Carnapping Law laban kina Raga.
Gayunman sa halip na sumuko ay agad na pinaputukan ng mga suspek ang mga operatiba na nauwi sa shootout at ikinasawi ni Raga at ng kasama nito habang nakorner naman at naaresto ang papatakas na si Bernales.
Ang grupo nina Raga ay siyang itinuturong responsable sa serye ng mga pagpatay sa bayan ng San Ildefonso at bukod dito ay sangkot din sa delos Reyes gun for hire groups.
- Latest