Drug suspek, bumulagta
NORTH COTABATO, Philippines - Napatay ang 30-anyos na drug suspek matapos itong manlaban sa mga pulis sa inilatag ang buy-bust operation sa Sitio Guila-Guila, bayan ng South Upi, Maguindanao kahapon. Kinilala ni P/Insp. Razul Pandulo ang biktima na si Joven Piodena ng nasabing lugar. Naganap ang shootout bandang alas-3:30 ng hapon makaraang arestuhin ng mga pulis si Piodena subalit pumalag ito at tangkang makipagbarilan. Gayunman, naunahan siya ng mga arresting team ng pulisya kaya napatay. Isinugod pa si Piodena sa South Upi District Hospital pero idineklarang patay. Narekober kay Piodena ang homemade pistol caliber 5.56, at 2-plastic sachet na may shabu.
- Latest