^

Probinsiya

2 karnaper, timbog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

Kabacan, North Cotabato, Philippines  – Kulungan ang bagsak ng dalawang karnaper makaraang masakote ang mga ito sa isinagawang hot pursuit operation  sa bahagi ng Brgy. Kilagasan, Kabacan, Cotabato, kahapon ng umaga. Kinilala ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Mongkoy Guialil Pigcualan, 19 at ang isa pang kasama nito na si Bayan Mantawil, 19. Batay sa inisyal na ulat, alas-9:00 ng umaga kahapon nang tutukan ng baril ng dalawang suspek sa bahagi ng Bonifacio St., ang isang Roderick Castillo Orbillo, 35, negosyante at puwersahang kinuha ang kanyang kulay pulang Honda Beat na may license plate 9412 QN. Agad namang tumakas ang mga suspek sa direksiyong papuntang Kilagasan. Dahil dito, agad na naglatag ng operasyon ang mga awtoridad kung saan naaresto ang mga suspect.

BATAY

BAYAN MANTAWIL

BONIFACIO ST.

BRGY

HONDA BEAT

KABACAN

KILAGASAN

MONGKOY GUIALIL PIGCUALAN

NORTH COTABATO

RODERICK CASTILLO ORBILLO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with