So far, so good
Tayo’y mag-otso-otso ang theme song ni POC president Bambol Tolentino sa Nagoya Asian Games.
Eight golds ang target ng Pinas.
And so far, may two gold medals na tayo mula kay Caloy Yulo ng gymnastics.
May dalawang silvers sa women’s 3x3 at MMA, at anim na bronze sa soft tennis, MMA, karate, weightlifting at gymnastics, mula kay Eldrew Yulo.
Nakawala lang ang sa 3x3 at MMA.
Apat na sana.
Pero mahaba pa ang laban at sa Oct. 4 pa ang closing ceremony. Meron pa tayong Alex Eala, EJ Obiena at gold chances sa boxing, jiujitsi, judo, athletics or esports.
“Marami pang sorpresa,” sabi ni Tolentino.
Basta so far, happy ang delegasyon kabilang na si PSC chairman Patrick Gregorio, ang may hawak ng kaban.
Umasa tayo na makuha ng Pinoy athletes ang target at doblehin ang four golds natin sa last Asian Games sa Hangzhou.
“Six to go,” sabi ni Cong. Bambol.
Nananalig ako dahil realistic at maganda ang weather forecast ng team officials natin.
May Pagasa.
- Latest





















