^

PSN Palaro

Mavs lusot sa Nuggets

Pilipino Star Ngayon
Mavs lusot sa Nuggets
Ipinasok ni Finney-Smith ang triple sa huling 17.3 segundo at ang dalawang free throws ni Spencer Dinwiddie ang sumelyo sa panalo ng Dallas (13-11).
STAR/ File

DENVER - Humakot si Luka Doncic ng triple-double na 22 points, 12 assists at 10 rebounds at isinalpak ni Dorian Finney-Smith ang isang go-ahead 3-pointer para pamunuan ang Dallas Mavericks sa 116-115 pag-eskapo sa Nuggets.

Ipinasok ni Finney-Smith ang triple sa huling 17.3 segundo at ang dalawang free throws ni Spencer Dinwiddie ang sumelyo sa panalo ng Dallas (13-11).

Nagkaroon si Nikola Jokic ng tsansang maitabla ang Denver (14-10) sa natitirang 12 segundo, ngunit isa lamang ang naipasok niya sa dalawang free throws.

Sa Cleveland, humataw si Donovan Mitchell ng season-high na 43 points para banderahan ang Cavaliers (16-9) sa 116-102 panalo sa Los Angeles Lakers (10-13).

Nagdagdag ng 24 markers si Jarrett Allen at tumipa si Darius Garland ng 21 points at 11 assists para tapusin ng Cleveland ang four-game winning streak ng Los Angeles.

Tumapos si LeBron James na may 21 points at 17 rebounds para sa Lakers na nakakuha kina Dennis Schroder at Russell Westbrook ng tig-16 points.

Sa Miami, iniskor ni Bojan Bogdanovic ang 28 sa kanyang 31 points sa second half at may 18 markers si Alec Burks para igiya ang Detroit Pistons (7-19) sa 116-96 paggiba ng Heat (11-14).

LUKA DONCIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with