_ngayon
^

PSN Palaro

Diaz naging emosyunal sa pangako ni MVP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Diaz naging emosyunal sa pangako ni MVP
Hidilyn Diaz
STAR/ File

MANILA, Philippines — Higit sa isa at kalahating taon nang hindi nakakasama ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang mga magulang sa Zamboanga City.

Kaya naman naging emosyunal siya nang sabihin ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation na dadalhin ang kanyang tatay at nanay sa Sofitel Hotel kung saan niya tinatapos ang mandatory seven-day quarantine.

“Your parents are in Zamboanga, right?,” ani Pangilinan sa zoom call ng mga MVPSF officials kay Diaz. “Maybe we can have the entire family here. We’ll take care of the plane fare and accommodation.”

Halos tumulo ang mga luha ng national weightlifter nang marinig ito kay Pangilinan.

“Dati nu’ng sobrang down ako, hindi ninyo kami pinabayaan. Thank you so much sa support,” wika ni Diaz na na-lock down sa Malaysia noong Pebrero ng 2020 nang pumutok ang COVID-19 at nagpasyang ituloy ang kanyang preparasyon para sa Tokyo Olympics.

Naideposito na ng MVPSF ang pangakong P10 milyon sa bank account ng 30-anyos na si Diaz.

“Basta walang iwanan. We look forward to seeing you personally. Thank you HD,” wika ni Pangilinan sa 2019 Southeast Asian Games gold medalist.

Samantala, gigil na si Diaz na muling simulan ang kanyang pag-eensayo bilang paghahanda sa mga lalahukang international competitions sa susunod na taon kagaya ng SEA Games sa Vietnam.

“Maraming engagements and dapat nag-training na ako kahapon (Huwebes) pa pero hindi nagawa. Baka tomorrow start na ako,” sabi ni Diaz.

“After kong manalo (T­okyo Olympics), siyempre nasa ulap pa rin ako hanggang kahapon pero medyo umokey-okay na po, medyo tanggap ko na ito na ang reality,” dagdag pa nito.

MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with