^

PSN Palaro

Oconer gumalaw na

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Oconer gumalaw na
Magka­kasa­bay na tu­mawid sa finish line ang Navy riders kasama ang Stage 5 winner na si John Mark Camingao (gitna).
Ernie Peñaredondo

Camingao sa stage 5

ANTIPOLO City, Philippines — Su­ma­bay si Standard Insurance-Navy rider George Oconer sa kanyang teammates na tumawid sa meta upang maagaw ang Red Jersey kahapon sa Stage 5 ng LBC Ronda Pilipinas, 2020 na nagsimula sa Lucena City.

Kasama ang 28-anyos na si Oconer sa anim na Navy riders na dumating sa meta habang ang may suot ng Red Jersey na si Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army ay dumating na pang 24.

Mahigit limang minuto ang lamang ni Oconer kay Bordeos sa datingan kaya naagaw nito ang overall individual classification.

Nakalikom ang anak ni two-time Olympian Norberto  ng 17 oras, 54 minuto at 13 segundo matapos ang limang sta­ges sa event na suportado ng LBC at inisponsoran ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation kasama ang Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

Nagwagi ng stage si John Mark Camingao, pa­ngalawa si 2018 champion Ronald Oranza, tersero si Junrey Navarra, pang-apat si El Joshua Carino, Pang-lima si stage 4 winner Ro­nald Lomotos at pang-anim si Oconer.

Gumalaw ang Navy sa unang walong kilometro ng laban, ang plano ay sumunod lang ayon sa 27-anyos na si Oranza pero nabaliktad at nag-iba ng diskarte.

“Iba ‘yung game plan namin, susunod lang talaga kami pero nabaliktad kaya sabi ko sa mga kasama ko, trabaho tayo para makuha natin itong stage,” pahayag ng Villasis, Pangasinan native,  na si Oranza.

Pare-parehong oras ang naitala ng anim na Navy, nirehistro nila ang tatlong oras, 12 minuto at 50 segundo sa 128.5 km race.

Bukas isusuot ni Oconer ang Red Jersey sa 111.9km Tarlac-Tarlac Stage Six.

vuukle comment

JOHN MARK CAMINGAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with