Bonus! Bonus!
FREE THROWS - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2019 - 12:00am

Nasa semis na ng PBA Philippine Cup ang Phoenix.

First time pumasok sa semis ang team ng businessman na si Dennis Uy.

Of course, happy ang boys.

Sabi kasi, galante raw ang boss nila.

Nun pa nga lang na pumasok sila sa quarterfinals eh nagkagulo na sa loob ng dugout.

Kasalukuyang may interview si Calvin Abueva sa labas. At nang marinig niya ang hiyawan, na-excite ang “The Beast.”

Sabi niya, “Uy, dinoble yata.”

Mali si Calvin. Dahil hindi lang doble ang nakuha nila.

Isang buwan na bonus. ‘Yun eh pagpasok pa lang sa quarterfinals. Ngayon na nasa semis na sila, tiyak na may bonus na naman.

 “Happy naman sila,” sabi ni coach Louie Alas.

Waiting mode ngayon ang Phoenix kung sino ang makakalaban nila sa best-of-seven.

Either San Miguel Beer or TNT Katropa ang makakaharap nila. Sa kabilang panig, waiting na rin ang Rain or Shine kontra Ginebra or Magnolia.

Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang Phoenix.

Waiting ang malaking bonus.

2019 PBA PHILIPPINE CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with