^

PSN Palaro

Revellers may misyon sa Generals

Pilipino Star Ngayon
Revellers may misyon sa Generals
Nakatakda ang engkuwentro ng Revellers at Generals sa alas-3 ng hapon habang magtutuos naman ang Centro Escolar University at AMA Online Education sa ala-una.
PBA D-league image

MANILA, Philippines — Masolo ang liderato ang muling tatargetin ng Che’Lu Bar and Grill sa pagharap nito sa Batangas-Emilio Aguinaldo College sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Revellers at Generals sa alas-3 ng hapon habang magtutuos naman ang Centro Escolar University at AMA Online Education sa ala-una.

Magkasalo ang Che’Lu at Go For Gold sa unahan ng standings tangan ang parehong 6-2 marka para kubrahin ang unang dalawang silya sa semis,

Maiiwan ang bakbakan para sa dalawa pang nalalabing tiket sa Final Four sa pagitan ng Marinerong Pilipino (5-3), CEU (4-4) at Batangas (3-5).

Aasahan ng Revellers sina Jeff Viernes at Chris Bitoon na siyang nagtulong para kubrahin ang 78-57 panalo sa Generals sa kanilang unang paghaharap sa first round. (CCo)

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with