Tiyak ang dikit na laban sa pagtatagpo ng Blaze Spikers (2-0) at Generika-Ayala Lifesavers (2-1) sa alas-4:15 ng hapon at paborito namang magwagi ang Cargo Movers (2-0) kontra sa UP-UAI Lady Fighting Maroons (0-3) sa alas-7 ng gabi.
https://www.facebook.com/superligaphilippines
Petron iiwas vs Generika
FCagape (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Haharapin ng Petron Blaze ang Generika-Ayala habang magtatagpo naman ang F2 Logistics at UP-UAI Lady Fighting Maroons ngayon sa pagbabalik ng 2018  Philippine Superliga Invitational Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Tiyak ang dikit na laban sa pagtatagpo ng Blaze Spikers (2-0) at Generika-Ayala Lifesavers (2-1) sa alas-4:15 ng hapon at paborito namang magwagi ang Cargo Movers (2-0) kontra sa UP-UAI Lady Fighting Maroons (0-3) sa alas-7 ng gabi.

Sa ibang laro,  susubukan naman ng Philippine national women’s team ang Smart-Army Giga Hitters sa alas-2 ng hapon.

Pangungunahan nina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina ang Blaze Spikers sa laban nila kontra sa Lifesavers nina Ross Hingpit, Angeli Araneta, Mikaela Lopez at Marivic Meneses.

Nagwagi ang Petron   sa Foton,  27-25, 25-19, 22-25, 25-17 sa una nilang laro noong Hulyo 3 at si­nun­dan ng magaang na panalo laban sa UP-UAI, 25-9, 25-16, 25-17 noong Hulyo 7.

2018 PHILIPPINE SUPERLIGA INVITATIONAL CONFERENCE PETRON BLAZE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with