^

PSN Palaro

Chameleons biyaheng Semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chameleons biyaheng Semis
Lumipad si Fil-Am spiker Brooke Van Sickle ng N­xled para hatawan ang depensa ng Akari.
PVL

MANILA, Philippines — Tuluyan nang inangkin ng Nxled ang unang semifinal berth matapos ang 27-25, 25-22, 26-24 paglusot sa Akari sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Siklab Series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 10 points mula sa siyam na attacks at isang block para sa ikaanim na sunod na arangkada ng Chameleons papasok sa semifinals.

“Akari is a very hard team for us to play. They’re very good in defense and blocking and a very scrappy team,” ani Van Sickle. “So we communicated early that we just have to stay resilient and very patient as the game goes on.”

Nagdagdag sina Myla Pablo, Fil-Am MJ Phillips at EJ Cariño ng tig-siyam na puntos, habang nagkaroon si Jonah Sabete-Escamillan ng isang left knee injury matapos ang masamang pag-landing sa third set kung saan siya nakaiskor.

Tumipa si setter Gel Cayuna ng 17 excellent sets para sa opensa ng tropa ni Italian coach Ettore Guidetti.

Bigo ang Chargers na masundan ang naunang panalo sa Choco Mucho Flying Titans at nalaglag ang baraha sa 3-4.

Sa first set, kinuha ng Akari ang 24-21 set point mula sa atake ni Eli Soyud bago nakatabla ang Nxled sa 24-24 mula kina Phillips at Pablo.

Matapos ang hataw ni Soyud para sa 25-24 abante ng Chargers ay bumanat naman ng tatlong sunod na puntos si Van Sickle para sa 27-25 panalo ng Chameleons.

Ang Nxled naman ang lumamang sa 24-21 sa se­cond set patungo sa 25-22 pagdaig sa Akari mula sa front court hit ni Phillips.

Sa third set nangyari ang left knee injury ni Sabete-Escamillan kung saan niya inilapit ang Chameleons sa 14-16 agwat sa Chargers at isinakay sa stretcher palabas ng court.

Matapos ito ay isang 6-2 bomba ang inihulog ng Nxled para kunin ang 20-18 abante patungo sa kanilang straight-sets win.

Sa ikalawang laro, tina­kasan ng Choco Mucho ang sister team Creamline, 23-25, 25-13, 25-23, 22-25, 15-13.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with