_ngayon
^

PSN Palaro

Wenceslao babandera sa Pinas sa Test of Will Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan ni national team member Noelle Wenceslao ang crossfit team na sasabak sa Test of Will finals na gaganapin sa Mayo 28 sa Gardens by the Bay sa Singapore.

Makakasama ng 37-anyos na si Wen­ceslao sina Derrick Carlo Mercado, Zoe Pond-McPherson at Merwin Torres sa kampanya laban sa mahuhusay na atleta mula sa Malaysia, Thailand at host Singapore.

Si Wenceslao ay isa sa tatlong Pilipina na nakara­ting sa Mt. Everest noong 2008.

Napili ang apat na atleta base sa kanilang impresibong ipinamalas sa lokal na edisyon ng torneo na ginanap sa Bonifacio High St. sa Taguig noong Abril.

“The exercises that they will do are different from the ones they did here in Manila. It will be a surprise for them,” ani Majadillas.

Maglalaban-laban ang 16 kalahok sa The Tower na mayroong iba’t ibang fitness zones kasama ang calisthenic exercises.

Aminado si Wenceslao na matinding laban ang kanilang haharapin ngunit handa ang kanilang koponan na sagupain anuman ang magiging pagsubok.

Sanay si Wenceslao sa alpine mountaineering, open water diving at trekking kabilang pa ang kanyang pagiging beteranong mi­yembro ng national dragon boat team.

“No matter what the odds are, wala namang imposible,” ani Noelle.

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with