Do-Nay-Re!
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - December 12, 2015 - 9:00am

World champion ulit si Nonito Donaire.

Kahapon ng umaga sa Puerto Rico ay nakipag-ba­sagan ng mukha si Nonito laban kay Cesar Juarez ng Mexico. Matinding laban ang naganap.

Pinatumba ni Nonito si Juarez ng dalawang beses sa fourth round.

Akala ng lahat, tapos na ang laban.

Pero hindi nangayaw si Juarez. Kumbaga sa sa­bong, walang tigil ang tuka.

Sa mga huling rounds, si Nonito na ang nabubugbog. Maga na ang kaliwang mata at may putok sa kanan. Duguan ang bata natin.

Natapilok pa at nanakit ang paa.

Mabuti na lang at full tank nang umakyat si Nonito sa ring at hindi naubusan ng gasolina.

Kung ako ang cornerman ni Nonito ay sisigawan ko na siyang tumakbo na lang sa closing rounds dahil sa dalawang knockdown ay mananalo na siya sa puntos.

Ayaw siguro ni Nonito na isipin ng tao na tumakbo siya.

Lumaban ng palitan hanggang sa huli. Tinatamaan pero tumatama rin naman.

Sumugal si Nonito at nanalo. Pinakita niya ang ta­pang niya sa loob ng ring.

Nabawi niya ang WBO super-bantamweight title (122 lb) na inagaw sa kanya ni Guillermo Rigondeaux nung 2013.

Balik bilang world champion si Nonito.

Dalawa na ulit ang world champion natin sa boxing kabilang na si Donnie Nietes, ang WBO flyweight (108 lb) champion.

Marami ang nag-akala na tapos na si Nonito matapos siyang matalo kay Rigondeaux at kay Nicholas Walters ng Jamaica last year.

Marami ang nagkamali.

Congrats, Nonito!

ACIRC ANG CESAR JUAREZ DONNIE NIETES GUILLERMO RIGONDEAUX JUAREZ MARAMI NICHOLAS WALTERS NONITO NONITO DONAIRE PUERTO RICO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with