^

PSN Opinyon

Hika

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

ANG hika ay pamamaga at pagiging sensitibo ng mga ma­liliit na daanan ng hangin sa baga. Kapag umaatake ang hika, dumarami ang plema sa baga at kumikipot ang daanan ng hangin kaya naghahabol ng hininga ang pasyente.

Mga dapat gawin:

1. Mga 80 percent ng taong may hika ay may allergy­. Pag-isipan kung ano ang ginawa bago umatake ang hika. Napagod ba, nainitan, o nakasinghot ng mabahong bagay? Isulat ito sa isang diary. Umiwas sa mga bagay na nagpapaatake ng hika mo.

2. May allergy ba sa pagkain? Hindi kasing dalas ang allergy sa pagkain pero nangyayari rin ito. Mag-ingat sa mga food preservatives, food coloring, sitsirya, alak, mani, seafoods, itlog, manok, at iba pa. Hanapin kung saang pagkain may allergy at umiwas dito.

3. Mag-ingat sa mga gamot. May taong may allergy sa mga gamot tulad ng aspirin, penicillin at gamot sa kirot. Parace­tamol lang ang ligtas para sa may hika. Kumunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.

4. Umiwas sa pollen. Pagdating ng tag-init, naglalabasan ang maraming pollen galing sa mga puno at damuhan. Mag-face mask. Mas maraming pollen sa umaga.

5. Kapag taglamig na, minsan ay nagkaka-amag at fungus ang banyo dahil lagi itong basa. Tuyuin ang banyo pagka­tapos maligo.

6. Kung may vacuum cleaner, gamitin ito para higupin ang mga dumi sa bahay. Kung puwede, alisin ang mga carpet at rugs dahil napakabilis nito kapitan ng alikabok.

7. Umiwas sa alagang hayop. Paliguan ang alagang aso bawat linggo. Nakakahika ang maliliit na balahibo ng mga ito.

8. Buksan ang bintana sa kusina. Ang matinding amoy ng pagkain ay puwedeng pag-umpisahan ng hika. Nakaiirita ang usok at amoy ng nilulutong sibuyas, bawang at pritong pagkain.

9. Maglinis ng bahay. Ang allergy ay nanggagaling sa mga dust mites, isang insekto na laganap sa ating bahay. Labahan kada isang linggo ang bedsheet, unan at kumot. Ibilad ang mga ito sa araw.

10.Umiwas sa lahat ng usok. Bawal na bawal ang usok at sigarilyo. Ipaalam sa lahat ng kamag-anak at kaibigan na bawal ang sigarilyo sa iyo. Umiwas din sa usok ng mga sasakyan.

11.Kumain ng prutas at gulay na nagpapalakas ng ating ugat at baga. Damihan ang pagkain ng dalandan, orange, mansanas, suha, ubas at blueberry. Puwede ring uminom ng Vitamin C tablet 500 mg kada araw.

12.Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui.

13.Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape o black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline.

14.Umiwas sa softdrinks at vetsin. Puwede itong magpasimula ng hika.

15.Mag-ingat sa sobrang lamig o sobrang init na panahon. Baka mag-trigger ng hika ito. Dapat ay katamtaman lang ang temperatura.

16.Mag-ehersisyo ng 3-5 beses bawat linggo. Subukang palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang masel sa paghinga.

17.Gamitin ang tiyan sa paghinga. Dalawang paraan ang paghinga. Ang una ay ang paggamit ng dibdib. Ang pangalawa at mas epektibo ay ang paggamit ng tiyan. Humiga sa kama at ilagay ang kamay sa ibabaw ng tiyan. Sa iyong paghinga, dapat ay tataas ang kamay mo sa tiyan pero hindi tataas ang iyong dibdib.

18.Maghugas palagi ng kamay. Umiwas sa virus at bacteria. Kapag ikaw ay tinamaan ng sipon at ubo, puwedeng sumabay ang atake sa hika.

19.Gumamit ng aircon kung may sapat na pera.

20.Kapag madalas ang atake ng hika, magpatingin agad sa doktor. May mga taong nadisgrasya na dahil pinabayaan ang kanilang nararamdaman.

HIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with