^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hagupitin, violators sa MSRP sa bigas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hagupitin, violators sa MSRP sa bigas

 KUNG mag-iinspeksiyon lamang ang Department of Agriculture (DA) sa mga palengke sa Metro Manila, mapatutunayan nila na maraming nagtitinda ng bigas ang hindi tumatalima sa maximum suggested retail price (MSRP) na itinakda. Walang pagbabago sa presyo ng bigas sa mga palengke na nagkakahalaga ng P48 hanggang P50 per kilo. Isang paglapastangan ito sa kagawaran lalo na’t nakipag-usap nang masinsinan sa stakeholders at nagkaroon pa ng kasunduan ang kalihim ng DA sa mga ito.

Ayon sa report, 70 percent ng mga palengke sa Metro Manila ang hindi sumusunod sa MSRP. Ilan sa mga ito ay ang Pateros Market, Pritil at Trabajo Market sa Maynila; Cartimar Market sa Pasay, Muñoz Market sa Quezon City at Pasay City Market. Nananatiling P48-P50 per kilo ng bigas at ang karneng baboy ay P470 sa halip na P350.

Napakaraming palengke ang hindi sumusunod kaya naman umaaray ang mamamayan sa mahal na presyo ng bigas. Mas apektado ang mga kakarampot ang kinikita gaya ng jeepney drivers na P200 hanggang P300 ang kinikita araw-araw. Gaano ang mabibiling bigas ng kanilang kinikita?

Kung nasunod ang MSRP, dapat P45 per kilo ang imported na bigas. Ayon naman sa vendors, mataas ang kuha nila ng bigas sa suppliers kaya mataas din nila itong ibebenta. Wala raw silang kikitain kung ibababa nila ang presyo.

Ang MSRP sa bigas ay ipinatupad noong Marso 31. Itinakda rin ang MSRP sa karneng baboy na P350 bawat kilo. Ayon kay Agriculture Secretary Tiu-Laurel Jr., nakipag-usap na siya nang masinsinan sa stakeholders at nagkaroon sila ng kasunduan ukol sa MSRP. Nakadidismaya na hindi ito nasusunod. Balewala ang kautusan ng DA chief.

Nang ibaba ni President Ferdinand Marcos Jr. ang taripa para sa imported na bigas, inasahang bababa ang presyo ng bigas. Pero sa halip na bumaba, lalong tumaas ang presyo. Dumagsa ang imported pero ganundin ang presyo. Umasa rin noon ang mga mahihirap sa pangako ni Marcos na ibababa sa P20 per kilo ng bigas. Pero ang pangako ay hindi nagkaroon ng katuparan at itinuring na bangungot na lamang.

Sabi ng DA, magsasagawa sila ng inspection sa mga palengke sa Metro Manila at pananagutin ang mga lumalabag sa MSRP. Hindi dapat balewalain ang ginagawang ito na ang labis na apektado ay ang mga mahihirap at kakarampot ang kinikita. Kamakailan, lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na 35.6 percent ang mga nagsabing sila ay nakaranas ng gutom. Dapat bang may magutom sa bansang malawak ang taniman ng palay? Kumilos sana ang DA para maparami ang ani at hindi na magtatakda ng MSRP para sa bigas.

MSRP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with