^

PSN Opinyon

Tiklo ang tatay (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Anim na taon matapos ang pagkamatay ng batang si Ben, naglabas ng desisyon ang korte. Napatunayan na nagkasala ang ama nitong si Gary Joaquin sa krimen ng parricide at hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo. Ibinase ng korte ang desisyon sa testimonya ni Ria Medina at sa deklarasyon nito na narinig niya mismo ang Lola Salve ni Ben na nagsisisigaw tungkol sa ginawang pagbugbog ng ama sa bata hanggang sa mapatay. Ang mga sirkumstansiyang binanggit ay hindi raw normal at tugma sa dapat na ikilos ng isang inosenteng ama lalo at kahindik-hindik ang naging paraan ng kamatayan ng bata. Tama ba ang korte?

Tama. Ang mga pahayag ni Lola Salve ay matatanggap bilang parte ng tinatawag na res gestae o mga nangyari. Ang sanhi nito ay ang kagulat-gulat na nasaksihan at nagsalita siya ng hindi nag-iisip, ibig sabihin ay wala siyang kakayahan na gumawa ng kuwento. Ang ulat ni Ria Medina ay hindi rin matatawag na “hearsay” dahil naroon mismo siya at personal niyang nakita bukod sa narinig ang mga sinabi ni Lola Salve na inilahad niya sa korte. Katanggap-tanggap sa korte ang kanyang isinalaysay dahil mahalaga at may kinalaman sa isyu ng tunay na ikinamatay ng biktima. 

Idagdag pa na pinasinungalingan ng ulat ng NBI ang palusot ni Gary at ng boy nito na si Berto na nahulog umano sa hagdan ang bata. Lumabas kasi sa pagsisiyasat ng NBI na ang mga sugat sa mukha, puwit, binti, kamay, hita, pati pamamaga sa ulo, matinding pagdurugo sa utak, at iba pang internal organ ang tunay na dahilan ng ikinamatay ng biktima (People vs. Robert Cloud, G.R. 119359, December 10, 1996).

vuukle comment

GARY JOAQUIN

PARRICIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with