^

PSN Opinyon

Panibagong virus t

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa man tayo tapos mag linis sa alikabok ng Taal Volcano at ayon sa Phivolcs meron pang mas malakas na pagsabog sa susunod na mga araw. Kaya hanggang ngayon nakataas pa rin sa alert level 4 at wala ng mga mamamayan ang puwedeng bumalik sa kanilang mga taha­nan baka abutan ng pagsabog at panibagong problema ang dulot.

Kelan kaya tayo tatantanan ng pagsubok? Nadagdagan na naman ang kaso ng polio sa bansa, ‘di ba’t nawalan na ng tiwala ang mga magulang sa bakuna? Kung kelan laganap ang sakit tsaka naman aligaga ang itong pabakunahan ang kanilang mga anak. Bakit pag-itinurok ba o pinatak ang gamot ay patay agad ang mikrobyo sa loob ng katawan?

Heto at may panibagong dagok na naman tayong pag­daraanan. Meron isang batang Chinese na nakitaan ng sintomas ng coronavirus. Sa kabila ng paghihigpit sa mga taong galing sa China sa airport ay bakit nalu­sutan sila nito? Akala ko ba sa airport pa lamang dahil sa maka­bagong kagamitan makikitaan na ang taong may dala ng ganitong sakit?

Ang nakakabahala nito ang mga doctor ay hindi pa nakakakita ng tamang lunas sa virus na ito, madali pa naman ito makahawa. Ang coronavirus ay may galing China naipasok na ito sa iba’t ibang bansa sa Asya tulad ng Japan, South Korea, Thailand at ngayon meron ng isang batang Chinese na nakapasok dito sa bansa. Ang mahirap pa nito kulang tayo sa kagamitan dahil kina­ilangan pang sa ibang bansa iksaminin upang malaman kung anong klaseng virus ang dumapo sa bata.

Kung maaalala n’yo ang African Swine Fever ay para sa mga baboy, ‘di ba galing din itong sakit sa China. Nalulu­sutan tayo dahil sa kakulangan ng paghihigpit. Sana huwag nang kumalat pa ang coronavirus sa ating bansa kung hindi pani­bagong problema na naman natin itong kakaharapin.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with