Artificial intelligence: kabutihan, kasamaan
SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2019 - 12:00am

IPINAPALAGAY na magkakaroon ng “singularity” simula sa taon 2035. Ito ang pagsapit ng “super-artificial intelli­gence”. Lahat ng makinang gagawin ng tao ay para gu­mawa -- “manganak” -- ng iba pang makina. At lahat umano ng mga makinang ito ay magsisilbi sa tao: pagagaanin, pasasarapin, pahahabain ang buhay. Magiging mas magaganda, matatalino, malulusog, nakakatawa, at ma­panlikhain lahat.

Ngayon pa lang ay nakikinabang na tayo sa artificial intelligence. Hindi lang napapa-memorya, kundi napapa-isip na rin nang sarili ang computers at gadgets. May ad­vanced dictionary sa cell phone text, at naaanalisa ng Word program kung madali o mahirap basahin ang inakda. Sa musika, pumili lang ng isang paboritong awitin sa Spotify, at magpapatugtog na ito ng mga kasunod na parehong panahon, tiyempo, o paksa. May mobile app na nakakagawa ng appointment para sa beauty parlor o restoran, pati pagpili ng sinong manikurista o menu ng pagkain. May automated car na, walang driver pero alam ang destinasyon at ruta. May mga CCTV camera na kayang kilalanin ang mga kaduda-dudang tao, hindi lang sa suot kundi pati kibot ng mata, ilong, pisngi, at ngipin.

May masasamang gamit din ang artificial intelligence. Halimbawa, sa pagha-hack ng database ng banko para nakawan ng pera ang depositors. Dati-rati, utak ng tao ang ginagamit sa trial and error para matuklasan ang password ng depositor. Ngayon, computer na ang nagsusubok ng iba’t ibang kombinasyon ng numero at letra, capital man o lower case, para mabisto ang password. Mas mabilis, masinop, at malalim ang memorya.

Gan’un talaga ang teknolohiya: lahat at may mabuti at masamang paggamit. Halimbawa, inimbento ang ban­dana, baril, at motorsiklo para sa damit, seguridad, at sasakyan. Ngayon ginagamit sa pagnanakaw.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SUPER-ARTIFICIAL INTELLI­GENCE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with