^

PSN Opinyon

Maganda at pangit!

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Maganda at pangit ang APEC summit

maganda’t dumalo ang mga world leaders;

pangit sa may isang milyong citizens

ang nagdusa at lihim na nagagalit!

 

Maganda ang APEC sa ating gobyerno

pagka’t nag-host ito’t gumastos nang husto;

kung ang perang ito’y napunta sa tao

walang maghihirap sa maraming Pilipino!

 

Sa estimate ng ating mahusay magbadyet

higit sa 10 bilyong piso inubos sa APEC;

sabi nang marami kung ito’y napunta sa projects-

mga lunsod, mga nayon ang bansa ay perfect!

 

Kung bibilangin natin ang mga nagrally

mga maralita higit na marami;

kaysa mga pulis, militar at army

ngunit sila’y walang armas kaya api!

 

Saka ayaw nilang hiyain ang bansa

sa harap ng 20 lider na nagkakaisa;

sa hangad ng APEC maging masagana

mga mamamayang kinatawan nila!

 

Magandang nangyari sa APEC na iyan

si Pangulong Obama tayo ay bibigyan

ng dalawang barkong handa sa digmaan

ang sagot ng China: Wag makialam!

 

Kaya sa estimate ng mga eksperto

ang US at China ay handa sa gulo;

tayong mga Pinoy ang kawawa rito

pagka’t sa labanan ay haharap tayo!

ACIRC

ANG

KAYA

MAGANDA

MAGANDANG

MGA

NBSP

PANGULONG OBAMA

PILIPINO

PINOY

SAKA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with