^

PSN Opinyon

Calinisan

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HINDI lamang pala taga-Manila Police District headquarters officials ang nakikinabang sa datung na galing sa illegal gambling, vendors at putahan sa ngayon. Maging ang tanggapan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada ay gastado at kinamumuhian ng Manileños. Kasi nga ayon sa sulat na nakarating sa akin, ito palang si Gen. Calinisan ay may sarili ring paikot sa kaharian ni Erap. Plantsado ang kilos at swabeng-swabe sa pagtabo sa gambling operators, side walk vendors at night clubs operators na sentro ng putahan. Ang tinuturo nilang rumaratsada sa pagkolekta ng datung ay sina Sgt. Gaa at Elmer. Hindi ligtas dito ang 11 Station Commanders dahil inuobliga silang magbigay ng weekly payola sa City Hall upang mapanatili ang kanilang puwesto. Kaya naman pala maraming semplang na nangyayari sa kaharian ni Erap eh dahil kahit pala hindi kumilos ang mga hepe ng kapulisan sa pagtugon sa walang tigil na pagsalakay ng mga holdaper, snatchers, at gapos gang, hindi sila masisibak sa puwesto depende sa hatag nila sa city hall. Wow ganyan na ba ang kalakaran ngayon sa kaharian ni Erap? Maging ang pinagkakatiwalaan ni Erap na si Maj. Irinco ay may sarili ring paikot sa illegal vices dahil si PO3 Joel Aquino ang umaaktong collector. Si SPO2 Boy Wong ng PS-4 ay lumalagare rin sa pagkolekta. Marahil ang dismayadong kolektor na winalis sa bakuran ng MPD at Manila City Hall ang may alam sa pagbibigay ng sulat sa akin. Iyan ang aking pakikitutukan sa hinaharap upang lalo kong mapalawak ang kaalaman sa koleksyon na ipinapasok sa bulsa ng mga gutom na opisyales. Huwag kayong kukurap mga suki!

Sa ngayon lumaganap na naman ang abortion pills (Cytotic) sa paligid ng simbahan ng Quiapo at ang tinaguriang Gold Finger na gumagawa ng mga pekeng diploma sa C.M. Recto. Naglipana na rin ang mga sidewalk ven­dor sa Evangelista, Raon, Quezon Boulevard at sa magkabilang bangketa ng Recto. Mukhang nalilihis na yata ang pangako ni Erap sa Manileños na ibabangon niya ang pagkabankarote ng Maynila kung ang lahat ng ikinikilos ng kanyang mga bataan ay ang pagkolekta ng datung. Hindi pa ba nakakahalata si Erap na walang nag-iisponsor na kahit isang mobile car sa MPD? Paano nga naman magbibigay ang milyonaryong business traders ng Maynila kung walang makitang nagpapatrulya sa kalye na nagbibigay ng protekyon sa Manileños?  Iyan ang inyong pagkakatutukan mga suki! Abangan!

BOY WONG

CITY HALL

ERAP

GOLD FINGER

IYAN

JOEL AQUINO

MANILA CITY HALL

MANILE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user