^

Metro

Rollback sa petrolyo, lalarga ngayong araw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Rollback sa petrolyo, lalarga ngayong araw
Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at sabay-sabay na ipatutupad ngayong Martes .
STAR/File

MANILA, Philippines — May malaking rollback sa petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong araw.

Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at sabay-sabay na ipatutupad ngayong Martes .

Kabilang sa mga maagang nag-anunsyo ang Pilipinas Shell, at Seaoil na magpapatupad ng P1.20 rollback sa kada litro ng gasolina, P1.85 sa kada litro ng diesel at P2 sa kada litro ng kerosene.

Kaparehong presyo rin sa gasolina at diesel ang gagawing rollback ng Cleanfuel, Petro Gazz at PTT na walang produktong kerosene.

Bumaba ang presyo ng petrolyo bunsod ng pagsasara ng ilang malalaking bangko sa Amerika, na nakadagdag sa pangamba ng global recession o paghina ng ekonomiya ng buong mundo.

Pero ayon sa ilang analyst, posibleng tumaas ang presyuhan sa mga susunod na linggo dahil sa pagtaas ng demand sa China bunsod ng pagbubukas ng kanilang ekonomiya. —

Angie dela Cruz

vuukle comment

PTT

ROLLBACK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with