^

Metro

20K counting machines para sa 2025 elections, darating sa Agosto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
20K counting machines para sa 2025 elections, darating sa Agosto
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, tinatayang aabot sa 20,000 ang bilang ng ACMs na inaasahang unang darating sa bansa.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na darating na sa bansa sa Agosto ang unang batch ng mga automated counting machines (ACMs) na gagamitin nila sa pagdaraos ng 2025 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, tinatayang aabot sa 20,000 ang bilang ng ACMs na inaasahang unang darating sa bansa.

“Ang hope po natin, itong darating na Agosto, makakapag-deliver na sila ng more or less na initial na 20,000 na units,” dagdag pa ni Garcia, sa panayam sa radyo. Bago naman aniya matapos ang Disyembre ay inaasahan nilang maihahatid na rin sa bansa ang kabuuan na 110,000 poll machines. Paglilinaw naman ni Garcia, ang mga naturang makina ay rerentahan lamang para magamit sa susunod na eleksiyon.

Kasabay nito, kinumpirma rin naman ni Garcia na puspusan na ang ginagawa nilang paghahanda para sa midterm polls.

Ayon kay Garcia, hindi maaaring magkaroon ng anumang delay o pagkaantala sa kanilang timeline upang maiwasang malagay sa alanganin ang halalang gaganapin sa Mayo 2025.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with