^

Metro

Babae, natagpuang naagnas sa damuhan

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Babae, natagpuang naagnas sa damuhan
Ang bangkay ng hindi pa kilalang babae ay naagnas na nang madiksubre ng isang truck driver na si Nido Yanoyan, 26-anyos, matapos siyang umihi sa madamong lugar dakong alas-4 ng hapon.
STAR/ File

Hinihinalang biktima ng rape-slay

MANILA, Philippines — Isang babae na pinaniniwalaang biktima ng panggagahasa at pagpatay ang natagpuan sa damuhang bahagi ng Ayala Greenfields Estate 4 sa Barangay Maunong, Calamba City, Laguna nitong Sabado ng gabi.

Ang bangkay ng hindi pa kilalang babae ay naagnas na nang madiksubre ng isang truck driver na si Nido Yanoyan, 26-anyos, matapos siyang umihi sa madamong lugar dakong alas-4 ng hapon.

Nabatid na naiulat naman sa pulisya ng alas-7:30 na ng gabi ang insidente sa pagkakatagpo sa naag­nas na babae.

Sinabi ni Yanogan na nakalanghap siya ng masangsang na amoy sa may damuhan at nang kanyang siyasatin ay laking gulat niya nang makita ang bangkay ng isang babae na naagnas na.

Bunsod nito, agad na ipinagbigay alam ng saksi sa isang duty security guard sa nasabing village at agad nilang pinuntahan saka inireport sa pulisya.

Hinihinala ng mga saksi, na biktima ng rape ng nasabing babae dahil sa nakababa ang kanyang underwear o panty nang matagpuan sa damuhan.

Sa kabila nito, lumalabas sa inisyal na police report, na isang scavenger o namumulot ng basura ang biktima at ang sanhi ng pagkamatay nito ay “natural death”.

Gayunman, isasailalim pa sa awtopsiya ang bangkay upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

AYALA GREENFIELDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with