^

Metro

Mag-utol, tugis sa pananaksak ng delivery rider

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan  ng Quezon City Police District - Bagong Silangan (PS13) ang  magkapatid  na suspek sa pananaksak sa kanilang kapitbahay kahapon ng madaling araw  sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na si Aldrin at Badeng Baylon, kapwa residente ng  San Gabriel St. Brgy. Payatas A, QC.

Ginagamot naman sa ospital ang biktimang si  Joseph Aguinaldo, 23, ng No. 74 Saint Beatriz St. Brgy. Payatas B, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PSSg Dexter Espino Jr., ng QCPD-Bagong Silangan, dakong alas-12 ng mada­ling araw habang nakikipag-iinuman ang biktima kasama ni Janine de Ocampo  sa may St. Beatriz St., Brgy. Payatas A, nang dumaan ang  suspek na si Aldrin at hinamon ng suntukan  ang  biktima.

Bagama’t agad na naawat ang  dalawa,  umalis ang suspek na si Aldrin at makalipas ang  ilang minuto ay bumalik ito kasama na ang  kapatid na si Badeng.

Dito na sinaksak ni Badeng ang biktima at saka mabilis na tumakas kasama ang utol na si Aldrin.

Tinitignan ng pulisya ang umano’y matagal nang alitan ng biktima at mga suspek.

vuukle comment

ALDRIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with