^

Metro

BI, magdaraos ng service caravan sa Mayo 8

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang magdaos ang Bureau of Immigration (BI) ng “Bagong Immigration Service Caravan” sa Baguio City sa Mayo 8, 2024.

Sa abiso ng BI, bubuksan ang caravan mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon.

Hinikayat naman ng BI ang mga foreign nationals sa lugar na magtungo sa naturang caravan at i-enjoy ang mga pinabilis nilang serbisyo.

Kabilang umano sa mga serbisyong ipagkakaloob ng BI sa naturang caravan para sa mga dayuhan ay tourist visa extension, annual report, ECC, ACR I-Card, visa at permits application. Mayroon ding processing ng dual citizenship at recognition bilang Filipino at iba pa.

Bukod rito, hinihikayat ng BI ang mga indibiduwal na may nalalamang mga dayuhan na sangkot sa iregularidad na samantalahin ang pagkakataon upang isumbong ang mga ito sa naturang caravan upang mapatawan ng kaukulang kaparusahan.

Para sa karagdagang impormasyon hinggil sa caravan, maaaring bisitahin ang website ng BI na immigration.gov.ph.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with