^

Metro

3-araw transport strike arangkada na ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3-araw transport strike arangkada na ngayon
Members of the Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) stage a protest rally in front of the Supreme Court in Manila on April 23, 2024.
Photos by Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Arangkada na ngayong Lunes, Abril 29, ang tatlong araw na nationwide transport strike at iba pang kilos protesta ng sanib-puwersang mga transport at labor groups upang tutulan ang nalalapit nang pagtatapos ng April 30 franchise consolidation deadline ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) De­puty Secretary General Ruben Baylon, magtatapos ang kanilang kilose-protesta sa Mayo 1, Araw ng Paggawa. Inaasahan aniyang sa Metro Manila pa lamang ay aabot na sa 100,000 indibidwal ang lalahok sa protesta.

Giit ng grupo, napi­pintong mawalan ng kabuhayan ang mga driver at operators dahil sa consolidation deadline na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaya’t nais nilang ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Nabatid na target na iparalisa ng grupo ang ilang public transportation sa ilang lugar, partikular na ang ilang pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR), kabilang ang Alabang, Baclaran, Sucat, Taft ­Avenue, Agoncillo, Monumento, Novaliches, Litex, Anonas, Project 2 at 3, Quezon City, Katipunan at Philcoa.

Nabatid na bukod sa PISTON, kabilang din sa mga lalahok sa kilos-protesta ang ilang transport groups, gaya ng Manibela, at labor groups, sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) dahil apektado rin umano dito ang mga commuters, na karamihan ay mga manggagawa.

vuukle comment

PISTON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with